Kailanma’y hindi naging kakampi ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption ang Commission on Human Rights.
Ito ang sinabi ni VACC Spokesman Boy Evangelista at maging siya, aniya, ay hindi, ni minsan, kinumusta ng CHR tungkol sa mga tinutulungan nilang biktima ng krimen.
Ayon pa kay Evangelista, mas nalalagay pa minsan sa alanganin ang mga pulis at mga grupong tumutulong para masugpo ang krimen dahil binabalika umano sila ng mga ito sa pamamagitan ng kaso at reklamo na ipinadaraan sa CHR.
Iyan ang dahilan kung bakit daw sila nabuhayan ng loob makaraang sabihin ni incoming President Rodrigo Duterte na kriminalidad ang unang bibigyang aksyon ng kanyang administrasyon.
By: Avee Devierte