Mayorya ng mga Pilipino ang boboto sa mga kandidatong nagsusulong para sa job creation dahil sa paniniwalang solusyon ito sa paglutas ng mga problema sa ekonomiya ng bansa.
Batay sa resulta ng survey ng Social Weather Stations, 89% ng mga Pilipino ang boboto sa mga kandidatong layong pataasin ang mga oportunidad sa trabaho habang 88% naman ang susuporta sa mga nagsusulong ng mga karapatan sa paggawa at kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.
Ayon kay Stratbase Group President Dindo Manhit, mahalaga ang paglikha ng mga trabaho dahil binibigyan nito ng kapangyarihan ang mga Pilipino na maka-ahon sa kahirapan at kagutuman sa pamamagitan ng pagbibigay ng matatag na kita; purchasing power at economic security.
Isinagawa ang survey sa 1,8000 respondents sa buong bansa mula Pebrero 15 hanggang 19 at kinomisyon ng Stratbase group. —sa panulat ni Kat Gonzales