Nag-negatibo sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang karagdagang 8,000 mga Pinoy na nag-balik bansa ngayong araw, 10 ng hulyo.
Batay sa datos ng sub-task group para sa repatriation ng OFW’S, may kabuuang 8,597 na mga nag-balik bansa na mga OFW’s at non-OFW’S ang nagnegatibo sa virus, ayon sa resulta ng isinagawang RT-PCR test sa mga ito.
Kasunod nito, maaaring makita ang buong listahan ng mga pinoy na nag-negatibo sa virus sa website ng coastguard.
Ang mga nagbalik bansang mga pinoy na kabilang ang pangalan sa naturang listahan, ay maaari nang makipag-ugnayan sa mga tauhan ng PCG o OWWA sa kani-kanilang mga quarantine facilities upang maproseso na ang kanilang pag-uwi sa kani-kanilang mga probinsya.