Tinatayang 8,000 residente sa Maguindanao del Sur ang nakatanggap ng Ramadan packs mula sa Islamic Relief Philippines.
Ipinamahagi ang Ramadan packs sa mga Muslim na residente ng Brgy. Bagoenged, Buliok, Inug-og, at Kudal sa Pagalungan.
Naglalaman ang isang Ramadan pack ng 50 kilos ng bigas, tatlong kilong munggo, dalawang kilong asukal, dalawang kilong all-purpose flour, dalawang kilong noodles, isang kilong native coffee, dalawang litrong mantika, at anim na lata ng halal corned beef.
Ayon sa Islamic Relief Philippines, inaasahang susuportahan ng naturang relief packs ang fasting ng mga nabigyang pamilya.