Walong libong slots ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) ang binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ito’y upang mapataas ang bilang ng mga nag-ooperate na Grab cars sa buong bansa.
Binuksan ang mga bagong slot noong Abril 18 kung saan inaasahang mas maraming TNVS drivers ang sasali sa Grab matapos na makumpleto ang LTFRB-Mandated Onboarding Procedures.
Ayon sa Grab, inaasahan na nila ang karagdagang mga TNVS driver na bibiyahe sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.
Idinagdag ng Grab na mahalaga ang bagong batch ng TNVS slots sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya na nagresulta ng mahabang suspensyon ng ilang ride-hailing at iba pang public transport.