Inihayag ni Bureau of Immigration (BI) Spokesperson Dana Sandoval na may 8K turista ang dumating na sa Pilipinas, kung saan, nasa 27% to 30% nito ay mga dayuhan.
Ito’y makaraang buksan na ng pamahalaan ang mga borders sa mga banyagang biyahero para mapalakas ang turismo at ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Sandoval, mahigpit na sinusuri ng Bureau of Quarantine (BOQ) ang mga ipinapakitang ‘vaccination cards’ ng mga turista upang matiyak na pasok sa panuntunan ng bansa.
Gayunpaman, sinabi ni Sandoval, na kung makikita na pineke ito o hindi pasok sa regulasyon ng pamahalaan ang vaccination cards, ipinapasa ang mga dayuhang biyahero sa BI na siya namang magpapatupad ng kanilang hindi pagpasok sa bansa. —sa panulat ni Kim Gomez