Inaprubahan ng Metro Manila mayors ang pagpapatupad ng dailty curfew sa National Capital Region (NCR).
Ito ay kasunod na rin ng pagbabalik sa general community quarantine (GCQ) ng Metro Manila at ilang karatig lalawigan.
Magsisimula ang naturang curfew mula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.
Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang naturang hakbang ay bahagi ng isinulong ng mga alkalde sa Metro Manila ng mas pinaigting na istratehiya sa mga lugar na nakasailalim sa GCQ laban sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Samantala, nakatakda namang umiral ang GCQ sa NCR hanggang sa katapusan ng Agosto.