Nagbabadyang magkasa muli ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis sa susunod na linggo.
Posibleng umabot sa P0.80 hanggang piso ang dagdag presyo sa kada litro ng gasolina.
Habang P0.50 hanggang P0.60 naman sa kada litro ng diesel at P0.40 hanggang P0.50 sa kada litro ng kerosene.
Inaasahang epektibo ito sa Martes, Pebrero 22 na siyang ika-walong sunod na linggo ng serye ng oil price hike.—sa panulat ni Abbie Aliño-Angeles