Giba na si Roger Federer sa quarter finals ng Wimbledon.
Ito ay matapos hindi umubra si Federer sa pambato ng Poland na si Hubert Hurkacz na 15 taong mas bata sa 20 time grand slam title winner.
Ang nasabing pagkatalo ng 8 time Wimbledon champion ay ika-14 na nito sa 119 match sa nasabing Torneo at unang first straight sets loss mula nang opening round exit laban kay Mario Ancic noong 2002.
Ayon kay Federer, hindi pa niya masabi kung tapos na ang kanyang karera sa bagamat umaming kailangan aniya niyang mag regroup at magbalik kondisyon para higit na maging competitive.
Kasunod na rin ito ng pagsali ni Federer sa Olympic games sa Tokyo, Japan sa susunod na buwan.