Naranasan sa La Trinidad, Benguet ang pinakamalamig na temperatura sa bansa ngayong Amihan season.
Ayon sa PAGASA, naitala sa 9.5°C ang pinakamalamig na temperatura sa bayan ng La Trinidad, samantalang bumagsak naman sa 10.8°C ang temperatura sa Baguio City.
Malamig din ang panahon sa Bontoc, Mountain Province kaya’t nagsagawa ng bonfire ang ilang residente.
Naranasan din ang malamig na panahon sa Tagaytay City kahapon, gayundin sa Metro Manila.