Sampung investment deal na nagkakahalaga ng 9.8 Billion Dollars para sa Pilipinas ang nilagdaan sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hainan, China.
Inaasahang makalilikha ang nasabing kasunduan ng mahigit 10,800 na trabaho.
Kabilang sa mga nilagdaan ay may kinalaman sa pagpapaunlad ng agrikultura ng Pilipinas, pagkuha ng mga gurong pinoy upang magturo ng ingles sa Tsina.
Bago pirmahan ang investment pledges, ibinida ni Pangulong Duterte sa BOAO Forum for Asia sa Hainan ang mga reporma ng kanyang administrasyon kasabay ng paglalatag ng mga programa para sa pag-unlad ng ekonomiya.
Hinikayat din ng punong ehekutibo ang ibang bansa na makipag- tulungan, makipag-ugnayan at magkasundo para makamit ang pangarap na sabay-sabay na pag-unlad.