Nakapagtala ng halos sampung libo o 9, 868 na bagong kaso ng COVID-19, dahilan kayat sumirit pa sa mahigit 2.6 na milyon ang kumpirmadong kaso ng virus sa bansa.
Ayon sa DOH, ito na ang ikalawang araw na nairehistro ang mas mababa sa sampung libong bagong kaso ng COVID-19 dahil sa usaping teknikal sa COVID.
Dahil dito sinabi ng DOH na nasa 112, 807 ang active cases ng COVID-19 kung saan 76.7% ang mild, 13. 98% ang asymptomatic, 2.8% severe at 1.2% ang critical condition.
Sumampa na sa halos 2.6M ang total recoveries kabilang na ang 133 na mga bagong gumaling sa nasabing virus, samantalang nananatili sa 38,828 ang death toll. —mula sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)