Kinasuhan ng plunder sa Office of the Ombudsman ang 9 na dating miyembro ng gabinete ng Pangulong Noynoy Aquino sa pangunguna nina dating Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Mar Roxas at Department of Transportation and Communication o DOTC Secretary Jun Abaya.
Ang kaso ay ay isinampa ng Department of Transportation o DOTr sa pamamagitan ni Undersecretary for Legal Affairs and Procurement Reinier Yebra.
May kaugnayan ito sa di umano’y maanomalyang maintenance contract para sa Metro Rail Transit o MRT-3 na pinasok ng pamahalaan sa Busan Universal Rail Incorporated o BURI.
Maliban kina Roxas at Abaya, kasama sa kinasuhan sina dating Budget and Management Secretary Florencio Abad, dating Finance Secretary Cesar Purisima, dating Energy Secretary Jericho Petilla, dating Science and Technology Chief Mario Montejo, dating Defense Secretary Voltaire Gazmin, dating Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson, at dating National Development and Economic Administration Secretary Arsenio Balicasan.
Kasama rin sa mga kinasuhan sina dating MRT General Manager Roman Buenafe, dating DOTC Undersecretaries Rene Limcaoco, Catherine Gonzales at Edwin Lopez gayundin ang mga dating miyembro ng Bids and Awards Committee at ilang opisyal ng BURI.
Ito na ang ikatlong reklamong isinampa laban kay Abaya sa Ombudsman may kaugnayan pa rin sa BURI maintenance contract sa MRT-3.
Kahapon lamang ay kinasuhan rin ng ilang grupo si Abaya at iba pang Transportation officials ng graft at paglabag sa Government Procurement Law.
Matatandaang kinansela ng gobyerno ang kontrata sa BURI noong Nobyembre 6 dahil sa bigo umano nitong pagtugon sa hindi matapos-tapos na aberya sa MRT.
Dotr officials dumating na sa Ombuds para kasuhan sina Roxas et al @dwiz882 pic.twitter.com/qJN71T6BGs
— JILL RESONTOC (@JILLRESONTOC) November 21, 2017
LOOK: DOTr files plunder raps vs. Roxas and other Aquino Cabinet members over MRT-3 maintenance deal | via @JILLRESONTOC pic.twitter.com/4AIcDkAtGh
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 21, 2017
(Ulat ni Jill Resontoc)