Aabot sa 9 na katao ang naaresto dahil sa pagbebenta at paggamit ng ilegal na paputok, ilang araw bago ang taong 2023.
Sa datos ng Philippine National Police (PNP), sinabi ni Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na nasa 27, 829 illegal firecrackers o katumbas ng P361,968 ang nakumpiska mula noong December 16, 2022.
Muli namang nagpaalala ang ahensya sa publiko na patuloy na obserbahan ang mga regulasyon at batas kaugnay sa pagbebenta at paggamit ng paputok at pyrotechnics.
Samantala, kabilang sa firecrackers na maaaring gamitin para sa fireworks display areas ang mga sumusunod:
• Baby Rocket
• Bawang
• El Diablo
• Judas’ Belt
• Paper Caps
• Pulling of Strings
• Sky Rocket (Kwitis), at
• Small “Triangulo”