Arestado ang 9 na indibidwal sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa tatlong drug den sa Pandacan, Maynila at brgy. Holy Spirit, Quezon City.
Ayon sa PDEA, 6 ang inaresto sa dalawang drug den sa Maynila, kasama na ang umano’y dalawang drug den operator na nasa watchlist ng PDEA.
Arestado naman sa Quezon City ang isang umano’y drug pusher at operator ng drug den na dati naring nakulong dahil sa ilegal na droga.
Aabot sa mahigit 50 gramo ng hinihinalang shabu na aabot sa mahigit P300,000 ang halaga ng nasabat na iligal na droga ng mga otoridad.
Sa pahayag ng PDEA, naging malaking tulong sa kanilang tagumpay ang pagrereport ng barangay at mga residente hinggil sa iligal na aktibidad ng mga suspek na nahaharap sa kaukulang kaso.