Inaasahang darating sa susunod na linggo ang siyam (10) na leader ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN members upang dumalo sa summit sa Pasay City.
Ayon kay ASEAN 2017 National Organizing Council Director-General for Operations Marciano Paynor Jr., magpupulong ang sampung (10) leaders sa Philippine International Convention Center bago magtungo sa Coconut Palace para sa kanilang retreat sa April 29.
Matapos nito ay babalik ang ASEAN leaders sa PICC para sa pagpapatuloy ng meetings na sasabayan ng gala dinner na pangungunahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pangungunahan din ni Pangulong Duterte, chairman ng ASEAN ngayong taon, ang bilateral meetings kay Brunei Sultan Hassanal Bolkiah sa April 27 at Indonesian President Joko Widodo sa April 28.
Kabilang sa mga inaasahang dadalo sa ASEAN Summit sina Prime Ministers Hun Sen ng Cambodia; Najib Razak ng Malaysia at Prayut Chan-o-Cha ng Thailand.
By Drew Nacino
*Photo Credit: AP