Umarangkada na ang siyam na bagong general overhauled light rail vehicles ng Metro Rail Transit (MRT-3).
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, inaasahang makapagsasakay ito ng mas maraming pasahero sa nasabing linya ng tren.
Bahagi ang proyekto na ito ng general overhauling ng LRVS ng maintenance works ng MRT-3 sa tulong ng maintenance provider na Sumitomo-Mitsubishi heavy industries.
Sa ngayon, 66 na kabuuang 72 LRVS na ang operational sa MRT-3.
TINGNAN: 9 na bagong general overhauled LRVs ng MRT-3, umaarangkada na!
Umaarangkada na sa linya ng MRT-3 ang siyam na bagong general overhauled light rail vehicles (LRVs), na makatutulong upang makapagsakay ang rail line ng mas maraming pasahero. pic.twitter.com/g29LsNpVAs
— DOTr MRT-3 (@dotrmrt3) March 1, 2021