Inilagay sa 14 na araw na lockdown ang siyam na barangay sa Mariveles, Bataan bunsod ng tumataas na bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Governor Albert Garcia, susundin sa ipinatutupad na localized lockdown ang guidelines sa enhanced community quarantine (ECQ).
Epektibo ang nabanggit na lockdown simula ngayong araw, September 12 hanggang September 26.