Apektado ang siyam na baybaying dagat matapos magpositibo sa paralytic shellfish poison o red tide ang ilang lugar sa bansa.
kabilang sa mga lugar na ito, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang Bayan ng Milgaros sa Masbate kabilang ang Capiz, Roxas City, Panay, President Roxas, Pilar, Dauis at Tagbilaran City.
Kasama rin sa nag-positibo ang Lalawigan ng Zamboanga del Sur sa Dumanquillas Bay at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Dahil dito, ipinagbabawal na muna na manghuli ng lamang dagat upang matiyak ang kaligtasan ng publiko. —sa panulat ni Jenn Patrolla