Mananatiling nakasara ang siyam na terminal sa EDSA Cubao Quezon City hangga’t wala pang ipinalalabas na lifting order ang lokal na pamahalaan ng Quezon City.
Ito ay ayon kay MMDA o Metropolitan Manila Development Authority Chairman Danilo Lim, matapos ipasara ang mga naturang terminal dahil sa kakulangan ng mga business permits mula sa Quezon City Hall.
Giit ni Lim matagal nang pinagsabihan ang mga naturang terminal na kumpletuhin ang mga kinakailangang mga permits pero hindi pa rin sumunod.
Kung meron man silang deficiencies sa kanilang mga business permits, kailangan ayusin nila, kailangan mag comply sila through the city hall.
Hangga’t walang lumalabas na lifting ng closure order galing sa city hall, nananatiling nakasara ang mga ‘yan.
Maraming mga deficiencies kasi eh, itong mga ito matagal nang sinasabihan ng city hall na kompletuhin ‘yung mga requirements kaya lang binabalewala nila.
Sinabi rin ni Lim na kanila nang tuluyang sinampahan ng kaso ang mga operators ng terminal ng First North Luzon.
Ito ay matapos mapag-alaman ng MMDA na muling binuksan ang terminal sa kabila ng closure order.
Harap-harapan na binalewala ‘yung order ng city hall talagang garapalan, pagbabastos din kaya ang gagawin natin dito nag-file na tayo ng kaso inimpound natin ‘yung mga sasakyan tapos hoi report natin ‘yun sa LTFRB nang sa ganun, ‘yung prangkisa nila matingnan.