Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), na nagpositibo sa redtide ang siyam na lugar sa Visayas at Mindanao.
Ayon sa BFAR, kabilang sa nakitaan ng Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide ang coastal waters ng Milagros sa Masbate; Sapian Bay, President Roxas, Panay, at Pilar sa Capiz; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur at Lianga Bay sa Surigao Del Sur.
Sinabi ng ahensya na ligtas pa ring kainin ang mga lamang-dagat na nahahango sa mga nasabing lugar, maliban lamang sa mga shellfish.
Nagpaalala ang BFAR, na doblehin ang pag-iingat sa pagkain ng mga lamang dagat at linising maigi bago lutuin at kainin.