Nagdesisyon na si Cebu Governor Gwendolyn Garcia na i-pull out na lamang ang siyam na contigent mula sa lalawigan para sa gagawing pagdiriwang ng Sinulog Ritual Showdown ngayong taon.
Sinabi ni Desk Editor Cebu Correspondent Alan Luigi Ladera Flores sa DWIZ, na mananatili sa South Road Properties (SRP) ang venue ng Sinulog Festival kung saan hindi na maibabalik ito sa orihinal na venue sa Cebu Sports Center.
Dagdag pa ni Flores, 12 contigent na lamang ang sasali sa Sinulog ritual showdown matapos una nang nag-backout ang bayan ng balili at ipu-pull-out naman mula sa bayan ng Carmen, Carcar City, Mandaue City Bual-Bual City, Naga City, Talisay City Tuburan, Toledo City at Consolacion na siyang sasalihan na bayan ni governor. – sa panulat ni Jenn Patrolla