Banta sa Rule of Law ang nine-dash line na territorial claim ng China sa West Philippine Seas.
Ito ang binigyang diin ni Supreme Court Senior Justice Antonio Carpio sa isang lecture sa Center for Strategic and International Studies o CSIS sa Washington.
Sinabi ng mahistrado na hindi umano dapat payagan ang isang estado na baguhin ang mga batas sa karagatan at panghimasukan ang exclusive economic zone ng ibang bansa.
Giit ni Carpio, ang claim na ito ng china ang siyang ugat ng malalim na bangayan sa rehiyon at wala itong historical basis.
Ayon pa kay Carpio, hindi lang Pilipinas ang apektado nito kundi maging ang mga bansa sa asya at gayundin ang buong mundo.
By Jelbert Perdez