Nagnegatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang siyam na direct o first generation contacts ng UK variant patient na isang Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Cebu subalit dinala sa isang apartment sa Quezon City.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Dr. Rolly Cruz, chief epidemiologist ng Quezon City Health Department.
Gayunman, sinabi ni Cruz na dalawa mula sa halos 200 malalapit na kapitbahay ng UK variant case sa Barangay Riverside, ang nagpositibo sa COVID-19.
Ipapadala nila aniya sa Philippine Genome Center ang mga nasabing COVID-19 positive para sa re swabbing.
However, ‘yung mga immediate na kapit-bahay na na-test din natin, kasi mahigit na 200 ‘yung mga na-test natin doon sa immediate na kapit-bahay nung UK variant, dalawa po ay nagpositive. Positive lang po sa PCR [test], gagawin natin ay ipasa natin ito sa Philippine Genome [Center], by next week malalaman natin ang resulta kung ito ay UK variant,” ani Cruz. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais