Siyam na drug suspect ang inaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa Central Luzon sa loob lamang ng 24 na oras.
Nabatid na nagsagawa ng Anti-Illegal Drug Operations sa ilang lugar sa Pampanga, Bulacan at Zambales nito lamang Linggo, Hunyo a-26.
Unang naaresto ng mga otoridad sina Reynante Pineda alias ‘Rey’, 52-anyos na High Value Target at Ana Marie Bitug, 38-anyos sa Brgy. Mabiga sa Mabalacat City na nakuhananng pitong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng shabu na may timbang ng humigit-kumulang 56 gramo na nagkakahalaga ng P380,000.
Nahuli naman sa Brgy. Bigte, Norzagaray Bulacan ang apat na umano’y nagbebenta ng droga na kinilalang sina Gil Ciego, 33-anyos; Rania Julartbar, 23-anyos; Ian Ramos, 28-anyos; at Justine Mercado, 21-anyos na nakuhanan naman ng 11 pirasong plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na aabot sa mahigit pitong gramo na nagkakahalaga ng P49,640.
Samantala, tiklo din pinagsanib puwersa ng mga tauhan ng Subic Police at PDEA Zambales ang tatlong drug personalities sa isang buy-bust operation sa Brgy. Matain, Subic, Zambales.
Kinilala ang mga suspek na sina Abbygail Cleofe, 37-anyos; Ace Narez, 30-anyos; at Michael Tolentino, 34-anyos.
Narekober sa kanila ang limang heat-sealed transparent plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 13 gramo at nagkakahalaga ng P89, 700.
Nakuha din sakanila ang iba’t ibang klase ng drug paraphernalias at marked money na ginamit ng undercover PDEA agent.
Nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso ang mga suspek kabilang na ang Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.