Nailigtas ng mga otoridad ang siyam na hinihinalang biktima ng human trafficking sa Tawi-Tawi kabilang ang isang menor de edad.
Kinilala ang mga biktima na sina Ricky Caloda, 19 anyos; Harry Calogada at Aldrich Piniones, kapwa 18 anyos; Leslie Aguinaldo, Richmel Romero, Dennis Barra, Juanito Decena, Jaymark Agan at ang 17 anyos na si Joshua Calogada.
Ayon kay PNP ARMM Spokesperson Police Inspector Jemar Delos Santos, ikinasa ng pinagsanib pwersa ng Tawi-Tawi Provincial Women and Child Protection Desk, DSWD Region 9 at Languyan Municipal Police Station ang rescue operations.
Kasunod ito ng kanilang natanggap na impormasyon na nakararanas ng kalupitan, forced labor at pag-kaalipin sa utang ang mga biktima mula sa kanilang employer na kinilalang si Gaspar Abah na barangay chairman ng Basbas sa Languyan, Tawi -Tawi.
Pansamatalang nasa kustodiya ng DSWD Bongao ang siyam na biktima at inaayos na kanilang pag-uwi sa Zamboanga City habang ipaghaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 10365 o Trafficking in Person ang kanilang employer.