Dinampot ng mga awtoridad ang siyam na indibidwal dahil sa umano’y paggamit ng pekeng identification cards para makakuha ng ayuda sa Maynila.
Pahayag ni Rose Pangan, officer-in-charge ng Manila Department of Social Welfare and Development, ang mga suspek ay pawang nakatira sa Brgy. 649 sa Baseco.
Ayon kay Pangan, hindi masagot ng isa sa mga residente kung ano ang kanyang middle name at kaarawan habang ang kasunod naman nito sa pila ay natuklasang peke rin ang dalang ID.
Hinihinalang iisang grupo ang nasa likod ng nasabing modus.
Samantala, inihayag ni PLT Roberto Medrano Jr. ng Baseco Police na sasampahan ang mga suspek ng mga kasong falsification of documents at estafa.