Arestado ang siyam (9) katao sa magkakahiwalay na check point sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Police Brig. Gen. Bernard Banac, nagpupumilit kasi ang mga ito na makatawid sa quarantine-controlled stations na inilatag para labanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Dagdag pa ni Banac, nagmamatigas ang mga ito na makalusot sa mga controlled areas kahit hindi sila kabilang sa mga exempted na essential workforce.