Patay ang siyam katao kabilang ang apat na sundalo sa nangyaring kambal na pagsabog sa Afrin City, Syria.
Batay sa monitoring ng UK-based war observatory, nangyari ang unang pagsabog malapit sa Dowar Kawa Al-Hadad na sentro ng siyudad.
Habang naganap ang isa pang pambobomba malapit sa headquarters ng Turkish Forces at isang ospital.
Marso nang makuha ng mga Turkey backed rebels ang kontrol sa Afrin City.
—-