Pumalo na sa 9 na katao ang naaresto ng Philippine National Police dahil sa ilegal na pagpapaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Sinabi ni PNP Spokesperson Chief Superintendent Wilben Mayor na kabilang sa 9 na suspek ay sina Police Officer One Francis Nepomuceno na nagpapaputok sa Sariaya, quezon noong December 22.
Ayon kay Mayor, pansamantalang nakalaya si Nepomuceno matapos magpiyansa.
Samantala, kabilang din sa kanilang naaresto si Erol Cimatu Calivoso, Pangulo ng Association of Barangay chairmen sa Pagudpud Ilocos Norte na nagpaputok sa mismong araw ng Pasko.
Kasama rin si Jerry Masaoay Divina, security guard ng Globe Telecom na nagpaputok naman noong December 26.
By: Allan Francisco