Siyam (9) ang nalunod kabilang ang limang bata habang isang teenager ang nawawala matapos ang pagragasa ng baha sa isang kilalang swimming spot sa isang ilog sa Arizona, USA.
Ayon sa hepe ng Fire and Medical District ng Water Wheel Falls Arizona, walang nakapagbigay ng babala sa mga naliligo sa Verde River dahil sa biglaang pagtaas ng lebel ng tubig dito.
Narekober na bangkay ng siyam na biktima noong Linggo habang patuloy na pinaghahanap ang isang labingtatlong (13) gulang na teenager.
Ang pagtaas ng tubig sa nasabing ilog ay dulot malakas na pag-ulan sa Arizona at mga nakaharang na debris matapos ang nangyaring wildfire sa lugar.
By Krista de Dios
9 katao nalunod sa pagragasa ng baha sa isang ilog sa Arizona was last modified: July 17th, 2017 by DWIZ 882