Patay ang siyam (9) katao habang sugatan ang hindi bababa sa 30 iba pa matapos gumuho ang isang tulay sa Bali, Indonesia.
Ayon kay Police Officer Arendra Wahyudi, bumagsak ang tulay sa gitna ng pagdagsa ng mga tumatawid para sa isang religious ceremony.
Wala pang dalawang metro ang lalim ng tubig sa ilalim ng tulay at karamihan ng nasawi ay dahil sa nadaganan ang mga ito ng guho.
By Katrina Valle
Photo Credit: Reuters