Patay ang 9 katao sa madugong bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu.
Ayon kay Regional Military Spokesman Major Filemon Tan, 1 sundalo ang nasawi habang 4 na iba pa ang nasugatan sa naturang engkwentro.
Sinabi ni Tan na 8 sa 100 miyembro ng Abu Sayyaf sa pangunguna ng isang Hajan Sawadjaan ang napatay naman ng mga sundalo.
Gayunman, hindi matukoy ni Tan kung ano na ang kalagayan ng mga bihag na hawak pa rin ngayon ng bandidong grupo.
By: Jelbert Perdez