Siyam ang napaulat na nasawi habang anim ang arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng Philippine National Police o PNP sa region 4-A o CALABARZON.
Ito’y ayon sa Police Regional Office 4-A o CALABARZON PNP ay bahagi ng kanilang pinaigting na kampaniya kontra sa loose firearms
Ayon kay Laguna Provincial Police Office Spokesperson P/Ltc. Chitadel Gaoiran na siyang inatasang maging tagapagsalita sa operasyon, inihain nila ang sabayang search warrant laban sa 24 na indibiduwal sa iba’t ibang lugar sa rehiyon kaninang ala singko y medya ng umaga
Nakatanggap kasi aniya sila ng ulat na nagmamay-ari ng armas ang mga indibiduwal na nasa listahan ng kanilang hahainan ng nasabing warrant na nagresulta sa engkuwentro matapos manlaban
Sa Laguna, dalawang labor leaders at isang human rights worker ang inaresto sa mga Barangay ng mamatid at San Isidro sa bayan ng Cabuyao.
Tatlo naman ang patay habang tatlo rin ang arestado sa ikinasang operasyon sa Rizal; isa ang nasawi sa Cavite habang dalawa naman ang nasawi sa Batangas.
May siyam na indibiduwal mula sa Rizal at Batangas na target ng operasyon ang nakatakas at patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.