Tinatayang 9 katao ang patay at 21 ang sugatan sa pamamaril sa isang shopping mall sa Munich Germany.
Natagpuan ng mga pulis ang gunman na wala nang buhay malapit sa pinangyarihan ng insidente.
Ayon sa report nagpakamatay ang gunman na sa ngayo’y hindi pa nakikilala na tinatayang nasa 18 taong gulang na German-Iranian.
Sa ngayon ay wala pang grupong umaako sa nasabing pag-atake at patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.
Hinigpitan na ang seguridad sa syudad partikular sa mga matataong lugar.
By Aiza Rendon