Sugatan ang 19 katao sa salpukan ng dalawang ban sa Makilala, North Cotabato.
Ayon kay Police Chief Inspector Johnrick Medel, hepe ng makilala police, nagmula sa magkaibang lane ang passenger van at panel van ngunit nagkabanggan ito sa kalsada sa bahagi ng Barangay Poblacion.
Kasama sa nasugatan ang dalawang drayber at mga sakay nito.
Patuloy naman na inaalam ng mga otoridad ang naging dahilan ng aksidente.