Siyam na lugar sa bansa ang nag positibo sa Red Tide Toxin.
Kasunod na rin ito nang isinagawang test ng BFAR at Local Government Units sa katubigang bahagi ng mga nasabing lugar.
Ayon sa BFAR, kabilang sa mga lugar na nagtataglay ng red tide toxin ang Milagros sa Masbate, Coastal Waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, San Pedro Bay sa Western Samar, Coastal Waters ng Biliran Islands, Carigara Bay sa Leyte, Matarinao Bay sa Eastern Samar, Dumanquilas Bay sa Zamboanga Del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga Del Norte at Lianga Bay sa Surigao Del Sur.
Dahil dito, ipinaalala ng BFAR na hindi uubrang kainin ang anumang uri ng shellfish at maging alamang na makukuha mula sa mga nabanggit na coastal areas.
Uubra naman anitong kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimasag subalit kailangang hugasan at lutuing mabuti ang mga ito.