Aabot sa mahigit 42,000 doses ng COVID-19 booster shots ang naiturok na sa buong Pilipinas.
Kumpiyansa si National Task Force Against COVID-19 Adviser Dr. Ted Herbosa na maa-administer ang siyam na milyong booster shots bago matapos ang taon.
Tiniyak naman ni Herbosa na may sapat na suplay ng booster doses para sa health workers at senior citizens.
Tanging ang Sinovac, Pfizer-Biontech, Astrazeneca, Moderna, Sinopharm at Sputnik V ang pinapayagang maiturok bilang booster shots. —sa panulat ni Hya Ludivico