Umabot na sa siyam na milyong katao kada taon simula noong 2015 ang namamatay dahil sa lumalalang air pollution at toxic lead poisoning dulot ng environmental contamination.
Batay sa pag-aaral ng mga siyentista, tumaas ng 7% ang pollution-related deaths simula 2015 hanggang 2019 dahil sa polusyon sa hangin mula sa industry processes na sinabayan ng Urbanization.
Sa datos ng Global Mortality at Pollution Levels ng Global Non-Profit Pure Earth, napag-alaman na ang mga pagkasawi mula sa traditional pollutants ay unti-unti nang nababawasan pero nanatili itong malaking problema sa Africa at iba pang developing countries.
Kabilang sa mga bansang may pinaka-maraming pollution-related deaths ang Chad, Central African Republic at Niger.