Dinukot ng mga pirata ang siyam (9) na Filipino sailors habang naka-angkla sa pantalan ng Cotonou, Benin Republic ang kanilang barko.
Ayon sa Autonomous Port of Cotonou, inatake ng mga pirata ang MV Bonita na pag-aari ng isang Norwegian company at tinangay ang mga mandaragat na sakay nito.
Samantala, kinumpirma naman ng kumpanyang may-ari ng barko na pawang mga Pilipino ang siyam na tauhan ng MV Bonita kabilang na ang kapitan nito.