Patay ang 9 na mga bata habang sugatan naman ang 20 pa sa naganap na sunog sa isang village sa Dadu District, Pakistan.
Ayon sa mga otoridad, aabot sa 50 kabahayan ang naabo sa sunog na nagsimula sa isang kusina ng isang bahay at mabilis na kumalat dahil sa malakas na hangin sa lugar.
Nagpapagaling na sa government hospital ang ilan sa mga nasugatan habang isinugod naman sa pribadong ospital sa Mahar at Larkana district ang iba pang mga biktima ng sunog.
Dahil dito, dumanas ngayon ng matinding pagkalugi ang nasabing lugar matapos umabot sa humigit-kumulang 15,000 maunds (monds) ng trigo, palay, at iba pang klase ng mga butil ng halaman ang naabo maging ang pagkawala ng ilan pang personal na ari-arian. —sa panulat ni Angelica Doctolero