Nagpositibo sa paralytic shellfish poison o red tide toxin ang siyam na baybayin sa bansa.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kabilang sa coastal waters na ito ang mga sumusunod:
• Milagros Bay sa Masbate
• Sapian Bay Sa Roxas City
• Panay, President Roxas, at Pilar Sa Capiz;
• Baybayin Ng Dauis at Tagbilaran City Sa Bohol
• Dumanquillas Bay Sa Zamboanga Del Sur; at
• Lianga Bay Sa Surigao Del Sur
Mahigpit namang ipinagbabawal ng BFAR ang paghuli, pagbebenta at pagkain ng anumang uri ng shellfish at alamang mula sa nabanggit na mga baybayin.
Samantala, ligtas kainin ang mga pusit, isda, hipon at alimango basta’t ito ay sariwa at huhugasang mabuti bago kainin.