Siyam na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao ang nagbalik loob na sa pamahalaan matapos isuko ang kanilang sarili sa militar.
Ayon kay army’s 57th Infantry Battalion Commander Lt/Col. Jonathan Pondanera, sumuko ang nasabing mga bandido dahil sa pinaigting na operasyon ng militar sa rehiyon ng bangsamoro.
Kinilala naman ni Western Mindanao Command Chief Lt/Gen. Corleto Vinluan Jr ang ilan sa mga sumuko na sina Rahib Baguindali alyas Rahib na tumatayong field commander; Abdulrahim Kinona Mariano alyas Junior na siyang taga-gawa ng improvised explosives device (IED) kasama ang anim na iba pa.
Kasamang isinuko ng mga nabanggit na bandido ang kanilang mga armas tulad ng M4-A1 carbine, 5.56MM machine gun, M-16 rifle, M-14, caliber 7.56, home made caliber 50 sinper rifles at 2 home made RPG’s.
Binigyang diin ni Vinluan na sangkot sa iba’t-ibang mga pag-atake ang naturang grupo sa buong Maguindanao gayundin sa lalawigan ng North Cotabato.