Siyam (9) na bihag ng ISIS-Maute Group ang nailigtas ng mga awtoridad sa Marawi City.
Kinilala ang mga nailigtas na sina Ariel Ansaw, Ronie Albacete, Lando Albacete, Dilbert Macatulag, Michael Ongos, Mario Manggubat, Jimboy Guinsayao, Bryan Catipay at Algin Generalao.
Ayon kay Lt. Col. Jo-Ar Herrera, Spokesman ng Joint Task Force Marawi, kinumpirma ng siyam (9) na biktima na buhay pa ang kanilang kapwa hostage na si Father Teresito ‘Chito’ Suganob.
Agad namang binigyan ng medical assistance at sumailalim sa gunpowder residue testing ang mga nailigtas na bihag.
Samantala, tiniyak ni Herrera na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng paraan upang marekober ang mga sibilyang bihag ng Maute Group.