Siyam na bumbero ang patay habang sugatan naman ang iba pa matapos gumuho ang isang kuweba sa kasagsagan ng kanilang training exercise sa Brazil.
Base sa imbestigasyon, nagsasanay sa loob ng kuweba ang 28 bumbero nang gumuho ang naturang kuweba.
Ayon sa Sao Paulo Military Firemen Department, lima sa mga firefighter survivor ang patuloy pang nagpapagaling matapos isugod pa sa ospital dahil sa natamong matinding tama sa bahagi ng kanilang katawan.
Sa ngayon, patuloy parin ang imbestigasyon sa lugar upang alamin kung ano ang pinaka dahilan ng pagguho ng kuweba. —sa panulat ni Angelica Doctolero