Siyam pang estudyante mula sa isang elementary school sa Mabalacat City, Pampanga ang isa-isang nagkasakit isang linggo matapos turukan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.
Kinilala ang mga estudyante na sina Enzo de Leon, na unang nagkasakit, Cirila Tagle, John Levi Leono, Hazel Yumul, Myla Libre, Danica Macasing, Kristine Regala at Kian Soto, pawang grade 6 student ng Lakandula Elementary School.
Ayon kay Mabalacat City Mayor Cris Garbo, agad siyang nagpadala ng mga health officer sa naturang paaralan sa gitna ng ulat na umabsent sa klase ang siyam matapos umanong mag-develop ng mga sintomas ng dengue.
Pawang edad 11 at 12 ang mga mag-aaral na nakaranas ng mataas na lagnat kung saan isa kanila ang nagkasakit sa gitna ng klase noong Miyerkules.