Sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang siyam na heavy equipment na ginagamit sa paggawa ng kalsada sa Las Navas, Northern Samar.
Sa ulat ng Las Navas Municipal Police Station, nag-report sa kanila ang Private Construction Company na may hawak sa road construction na may may mga armadong lalaki na nagsunog ng nasabing mga kagamitan Huwebes ng madaling araw.
Kabilang sa mga sinunog ang isang bulldozer, dalawang back hoe, isang lodery loader at iba pang kagamitan na ginagamit sa construction site.
Kwento ng mga nagsuplong, habang sinusog ng mga suspek ang mga kagamitan, nilapitan pa sila ng mga ito at nagtanong kung bakit nila pinalalapad ang kalsada gayong nadadaanan naman ito ng motor.
Tinanong din sila ng mga ito kung paraan ba ito ng pamahalaan para mas mapabilis ang pagdaan ng mga sundalo sa lugar.
Nasa P32 milyon naman ang halaga ng mga nasunog na kagamitan.