Patay ang siyam na indibidwal habang 20 naman ang sugatan sa naganap na bakbakan ng dalawang grupo sa gitna ng session sa Pakistan.
Nag-ugat ang kaguluhan dahil sa gagawing kalsada sa kanilang lupain.
Ayon kay Laal Bahadar, Station House Officer ng Barawal area, nauwi sa mainit na diskusyon ang court hearing hanggang sa bumunot ng kanya-kanyang armas ang dalawang grupo at nagpalitan ng putok.
Agad namang rumesponde ang mga pulis sa insidente at saka lamang natigil ang bakbakan. — sa panulat ni Hya Ludivico.