Nakapagtala ng 9 na bilang ng mga nasawi dahil sa dehydration sanhi ng diarrhea sa Dinagat Island.
Ayon sa Health Department Regional Office, daan-daang residente pa ang nakakaranas ngayon ng diarrhea sa kakulangan ng maiinom na malinis na tubig makaraang manalasa ang bagyong Odette.
Bukod pa diyan, wala ring sapat na pagkain ang mga residente sa Visayas at Mindanao makaraang mawasak ang mga pananim at iba pang sektor sa agrikultura.
Sa ngayon, umabot na sa apat na raan at dalawa ang kabuuang bilang ng mga nasawi dulot ng nagdaang bagyo.—sa panulat ni Angelica Doctolero