Sumuko na sa militar ang siyam na lider ng Communist Party of Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na naka-base sa Valencia City, Bukidnon.
Kinilala ng 4th Infantry Division ang mga rebeldeng sina Raquel Dahoyla; Joen Morales; Daniel Layanan; Mary Jean Cololot; Nelbert Binungkasan; Warren Balanse; Walisa Tinampakan; Marlon Ampoan at Rey Unabia.
Isinuko rin ng mga rebelde ang tatlong m16 armalite rifles, dalawang ak-47 rifle at isang m1 carbine rifle.
Samantala, ipinangako naman ni Major General Wilbur Mamawag na tutulungan nilang makapagbagong-buhay ang siyam na rebelde sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng pamahalaan. —sa panulat ni Hannah Oledan